Untitled
Rest in peace, Karl Roy.

11/20/11 1841

Foo Fighters - Aurora

I just kinda died for you

You just kinda stared at me

Don’t you think your God is a bit overrated?

English pa kunwari yung title para maganda.

Overrated siya sa tingin ko dahil sa mga tinuturo at pinagsasasabi ng mga prof. ko sa religion at sa mga pari na kala mo kung sinong may ticket na papuntang langit. Kung iisipin mo, sobrang dami ng requirements na hinihingi nila para makasama ka sa paraiso nila.

Sabi ng prof ko, hindi daw natin pagmamay-ari ang katawan natin. Pinahiram lang daw ito ni God satin.

Kaninang gabi tinamad ako mag toothbrush, tapos bigla ko naisip na pag nasira ang ngipin ko, mag aamoy stress ang hininga ko at gagastos na naman ng malaki ang nanay ko. Sa tingin ko, ako ang may-ari ng katawan ko at ang mga magulang ko lang ang may karapatan dito maliban sakin. Mga magulang o kung sino mang nagpalaki sayo ang dapat na maiisip mo tuwing sinisira mo ang sarili mo, hindi si God.

Hindi ko alam kung saang lupalop nila nakukuha yung mga ganung paniniwala. Sa totoo lang, hindi naman natin kailangan pag aralan ang religion. Kung naiinis lang si God, siguro badtrip na badtrip na yun kasi kung san san ginagamit ang pangalan niya. Sila na rin nagsabi na binigyan tayo ni God ng freewill at freedom. Pero bakit ang simbahang katoliko, sobrang daming patakaran na kailangan sundin at paniwalaan? Kailangan ba talagang maging “banal” para makapunta sa “langit”?

Tao lang din ang gumawa ng mga batas ng simbahan. Sa tingin nyo ba ginawa tayo ng creator natin para sambahin siya? Hindi ba parang ang selfish naman ni God kung ganun? Sana nung una pa lang, sinet na niya ang utak natin na pinapaniwalaan siya para wala nang nag-aaway tungkol sa relihiyon.

Ang masama pa nito, karamihan ng tao ngayon ay umaasa na lang sa dasal. Nagkukulang na sila minsan sa gawa at pagpupursigi. Finals namin bukas, mag dadasal na lang ako.

——————————————————————————————

Hindi ko alam kung may langit at impyerno ba talaga. Siguro hindi natin masyado kailangan mag base sa mga yan. Maraming pwedeng mangyari satin pag patay na tayo. Posibleng pangalawang buhay na natin to. Sabihin na nating ako si Jose Rizal dati. Posible diba? Pwede ring ako pala yung lolo mo. Oh kaya lolo mo pala si Derek Ramsey nung unang buhay nya. Posible lahat yan. Wala pa naman nakapunta ng langit na nakabalik ditto sa earth para mag kwento na malamig daw dun tapos sa impyerno puro lava. Naging mentality tuloy ng mga tao na gagawa sila ng mabuti para sa susunod na buhay nila ay puro sarap na lang sa langit.

Hindi ko din alam kung sino ang gumawa sa pinaka unang tao. Basta ang gumawa sakin, nanay at tatay ko. At dun sa pinaka creator, maraming salamat po! Siguro sapat na yun.

Para sakin, mas masarap pasalamatan yung mga magulang mo na laging nandiyan para sayo. Yung mga kapamilya mo na sumubaybay sa pag laki mo. Yung mga kaibigan mo na kasama mo sa hirap at ginhawa. Yung mga musikerong nakatulong sayo sa mga oras na kinailangan mo ng inspirasyon. Sila siguro yung dapat MAS sinasamba kaysa sa imaheng ginawa lang din at pinaganda lalo ng mga tao, na kung tutuusin at ipagtatanong ay wala namang konkretong imahe talaga. Baka sa sobrang pag samba mo sa simbahan, nakakalimutan mo nang pasalamatan yung mga taong buhay na naging malaking parte ng buhay mo.

~*~*~

Basta wala tayong natatapakan at nasasaktan na iba, Ayos na yun.

————————————————————————————————-

Opinyon lang po lahat ito. Alam kong maraming magagalit! Isumbong niyo ako sa mga pari kung gusto nyo.

Hindi po ako satanista o iluminati o kung ano mang kampon ng kadiliman. Ang relihiyon ko po ay ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko lang po talaga tanggap ang mga ipinapa-saulo sa atin ng nakararami ngayon.

Imulat natin ang ating mga mata dahil napaka lawak ng mga isip at mundo natin. Hindi natin kailangan ikulong ang sarili natin sa mga paniniwala na pinalabo ng pinalabo ng mga nagturo satin ng “sobrang mali na”.

Nirerespeto ko po ng buo ang paniniwala niyo. Naniniwala rin po ako ng buong buo sa creator natin. Nagkataon lang po na marami akong tanong.

——-

Sobrang dami po ng disclaimer ko. Pasensya na po sa format at sa pagpapaikli ng mga salita at sa mga pagkukulang ng punctuation marks. Nagets nyo parin naman diba.

——-

OMG someone enlighten me plz!

Maraming salamat po sa oras niyog!

10/30/11 2020

Bob Marley - Three Little Birds

10/29/11 2157

Radiohead - Creep

10/29/11 1947

Foo Fighters - Next Year

Thank you, Kurt.

Thank you, Kurt.

10/28/11 1013

The Verve - Bittersweet Symphony

10/28/11 0100

Foo Fighters - Walking After You

I cannot be without you…

Do not dwell in the past, do not dream of the future, concentrate the mind on the present moment.  -Buddha